Sabado, Hunyo 21, 2014

The Paradise: Pagsanjan Falls

When I was in grade schoool, nababasa ko lang ang Pagsanjan Falls sa libro ng Hekasi, bilang isa sa mga magagandang tanawin ng Pilipinas.

Dumating ang oras na sa wakas mapupuntahan kp na din ang Pagsanjan Falls sa Laguna. Tumuloy kami ng kaibigan ko sa Pagsanjan Falls Lodge and Summer Resort at dito nag overnight. From Manila pwede kang sumakay ng bus from LRT Buendia na Byaheng sta Cruz Laguna, Pagbaba ng sta Cruz sasakay ulit ng jeep papuntang Pagsanjan. Kinabukasan naisipan namin ng kaibigan ko na mag waterfalls adventure. Nung una nagulat kami kung bakit ang mahal ng bayad papuntang waterfalls, P1,200 each person during that time.

Nung nagsimula na ang paglalakbay namin sakay ng isang maliit na bangka kasama ang dalawang bangkero, dun namin naintindihan kung bakit ang mahal ng singil sa amin. Hindi ko maisip na bago mo mapuntahan ang isang npakagandang tanawin eh kailangan mo pa palang dumanas ng matinding hirap bago mo marating iyon. Kahanga hanga ang mga bangkero na tinitiis ang pagod sa pagtulak ng bangka sa pasalubong na agos ng tubig papuntang water falls, nasaksihan namin kung paano sila nahihirapan at kung gaano kabigat ang kanilang trabaho. Ang ibinayad naming P1,200 each head sa resort ay pag hahatian pa ng resort at ng mga bangkero.


 Gustong gusto ko nang tulangan si manong bangkero sa pagtutulak ng bangka pasalubong sa rumaragasang tubig. Dalawa lang kami ng kaibigan ko sa bangka ay hirap na hirap na sila, paano pa kung apat kami? Maximum person per boat is four.  Maaga kasi kaming pumunta sa falls kaya walang masyadong tao, actually may kasama kaming ibang tourists isang korean lady and her filipina friend pero sa ibang bangka sila. Napakaganda ng lugar na aming nadaanan, everything is green parang napakalayo na namin sa lungsod.


 After getting to our destination, we went directly to the running waters at pumasok sa maliit na kweba sa likod nito. It was a dream come true na napuntahan na din namin sa wakas ang famous Pagsanjan Falls.

Nang pabalik na kami ay napaka bilis na ng aming paglalakbay, sapagkat ang tubig ay hindi na pasalubong. Sa pagbalik namin ay marami kaming nakasalubong na mga tourist, some of ther are Foreigners and some are Filipinos. Merong tig aapat sa isang bangka, meron din namang tig dadalawa. 











Walang komento:

Mag-post ng isang Komento